Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Musika (MSEP)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nakikilala ang iba’t ibang tempo ng isang awitin/tugtugin
2. Nakakasunod sa tempong accelerando (papabilis na pag-awit/pagtugtog) at ritardando (papabagal na pag-awit/pagtugtog)
3. Maipapaliwanag ang damdamin ng mga bahagi ng awit sa pamamagitan ng pagbabago ng tempo ng tugtugin/awitin
II. Paksang-Aralin: Tempo
Integrasyon:
• EKAWP: Pagtitiwala sa sarili
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk pp. 60-66
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 53-58
• Rejoice TV ad na “Kering-Keri” http://youtube.com/watch?v=sUZVvY_W018
Mga Kagamitan:
• projector
• computer at internet (o computer at kopya ng TV ad)
• musical score ng “Pandangguhan” d menor 3/4 mi
• pitch pipe
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Praktisin ang tinig.
2. Ilahad ang musical score ng “Pandangguhan”.
3. Ipakanta ang “Pandangguhan” at pag-usapan ang nilalaman.
B. Panlinang na Gawain
1. Ipasuri ang musical score ng kanta at ipatukoy ang iba’t ibang mga simbolo o pananda.
2. Pag-usapan ang bawat pananda na babanggitin.
Halimbawa: “Andante”
3. Itanong:
• Anong bahagi ng kanta ang kailangang kantahin sa tempong andante?
• I-try nga nating kantahin?
• Patuloy na pag-usapan ang iba’t ibang panandang pantempo.
4. Ipapanood ang TV ad na “Kering-keri” ng Rejoice.
5. Itanong/Sabihin:
• Aling bahagi ng kanta ang kinakanta sa tempong adante?
• Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng bahaging ito?
C. Paglalahat
1. Itanong:
• Ano ang tempo?
• Anu-ano ang iba’t ibang panandang para sa tempo?
• Ano ang kahulugan ng accelerando? ng ritardando?
• Paano inaawit ang mga bahagi ng komposisyon na may ganitong tempo? Magbigay ng halimbawa.
D. Pangwakas na Gawain
1. Ipaawit na muli sa mga bata ang “Pandangguhan” at ipasunod sa kanila ang lahat ng mga panandang pantempo.
2. Itanong:
• Angkop ba ang mga pananda sa mga letra ng kanta? Ipaliwanag.
Magagamit ang TV ads sa pagtuturo
Showing posts with label Sa MSEP. Show all posts

Thursday, January 17, 2008
PANGKAASALAN 2 - Linya at Lawak sa Paningin
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Sining (MSEP)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naipapamalas ang kaalaman at pag-unawa sa linya
2. Natatalakay kung paano naipapakita ang movement at illusion of space sa pamamagitan ng linya
3.
II. Paksang-leksyon: Linya at Lawak sa Paningin
Integrasyon:
• EKAWP: Relasyong long distance
• English: Proverbs
Sanggunian:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 86-90
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 68-73
• Globe TV ad na “Bridges” http://youtube.com/watch?v=fUjvhX2fKck
• Globe TV ad “Giants” http://youtube.com/watch?v=b_aruPRc5-Q
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng Globe TV ads)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang dating kaalaman ng mga bata tungkol sa linya.
2. Itanong:
• Ano ang linya?
• Saan nagmula ang linya?
• Anu-ano ang iba’t ibang katangian ng linya?
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Patayuin ang mga bata sa dulo ng isang mahabang corridor. Kung hindi pwede, ipamasid sa mga bata ang larawan sa pahina 86.
2. Itanong/Sabihin:
• Ano ang napapansin mo sa larawan?
• Ano ang napapansin mo sa mga linya sa magkabilang gilid ng daan?
• Ang dako na parang nagkakadikit ang dalawang linyang palayo ay tinatawag na invisible point o “hinagap na tuldok”.
• Kung tatayo ka sa tabing dagat at tatanaw sa pinakamalayong kayang abutin ng paningin mo, mapapansin mo na parang may pahigang guhit o linya sa dulo. Ang linyang ito ang tinatawag na horizon o “guhit-tagpuan”. Ang horizon ay isang linyang abot-tanaw na parang dito nagtatagpo ang langit at lupa o ang langit at dagat.
Apat na bagay ang kailangan upang maging malawak sa paningin ang isang espasyo:
a. horizon o “guhit-tagpuan”
b. invisible point o “hinagap na tuldok”
c. invisible lines o “hinagap na mga guhit”
d. mga bagay na iginuhit
3. Ipapanood ang Globe TV ad na “Bridges”.
4. Itanong/Sabihin:
• Ano ang napapansin nyo sa blue(ng) ribbon?
• Ano ang ipinapahiwatig ng pagliit ng ribbon?
• Nagsisilbing tulay ng mga karakter sa advertisement ng mga ribbon. Mahaba at malayo ang naaabot ng mga ito.
5. Ipapanood ng Globe TV ad na “Giants”.
6. Itanong/Sabihin:
• Ituro ang horizon line sa mga eksana ng advertisement.
• Ikumpara ang tao o bagay na nasa pinaka-ibaba at nasa pinaka-itaas na parte ng screen:
magkapatid, mga hagdan ng Banawe Rice Terraces, Chocolate Hills, magbarkada, at mag-ina
7. Pag-usapan ang nilalaman ng mga advertisement:
• Anu-ano ang mga kailangang gawin upang tumibay ang isang relasyon?
8. Ipaliwanag ang mga sumusunod habang iginuguhit sa blackboard. Nandito ang paraan upang mapalawak sa paningin ang isang espasyo:
a. Gumawa ng horizon o “guhit-tagpuan” sa papel na lalagyan ng disenyo. Ang pahalang na guhit na ito ay maaaring ilagay sa alinmang bahagi ng papel
b. Sa isang bahagi ng horizon, maglagay ng isang tuldok. Ito ang tinatawag na invisible point o “hinagap na tuldok”.
c. Mula sa tuldok, gumawa ng dalawang tuwid na guhit na naghihiwalay patungo sa ibaba ng papel. Ang tawag sa dalawang guhit na ito ay invisible lines o “hinagap na guhit” at maaaring burahin matapos iguhit ang disenyo. Maaaring ang mga ito ay parehong tumutungo sa kaliwa o sa kanan. At maaaring ang isa ay patungo sa kaliwa at ang isa naman ay sa kanan.
d. Sabihin:
• Sa napanood na advertisement, ang mga ribbon ay pakurba at patungo sa iba’t ibang direksyon.
(I-replay ang advertisement kung kinakailangan.)
e. Guhitan ng mga linya ang loob ng dalawang invisible lines. Seguraduhing ang dalawang dulo ng mga linya ay umaabot sa invisible point.
Mapapansin mo na umiiksi ang mga linya habang papalapit sa tuldok. Ang invisible point ay maaaring ilagay sa alinmang parte ng papel na gagawan ng larawan. Maaari rin itong lumagpas sa papel kung kinakailangan.
f. Sabihin:
• Tulad sa napanood na advertisement, may ilang ribbons na hindi makikita ang invisible point.
(I-replay ang advertisement.)
g. Ipakita ang mga larawan ng:
i. Iba’t ibang puwesto ng horizon
ii. Iba’t ibang puwesto ng invisible point
iii. Iba’t ibang direksyon ng invisible lines at mga linya sa loob nito.
C. Paglalahat
1. Itanong:
Paano mo maipapakita ang galaw at lawak sa paningin ng espasyo sa pamamagitan ng linya?

PANGKAASALAN 3 - Sentro ng Kawilihan
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Sining (MSEP)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naipapakita ang kaalaman at pag-unawa sa mga prinsipyo
ng sining
2.
3.
II. Paksang-leksyon: Sentro ng Kawilihan
Integrasyon:
• EKAWP: Self-confidence
• EPP: Pagiging maayos at mabikas
Sanggunian:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 112-114
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 88-91
• Bench “Bush” http://www.youtube.com/watch?v=s8JrwQ41hf0
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Ipapanood at pag-usapan TV ad na “Bush” ng Bench.
2. Ipatukoy kung ano ang pinaka-binigyang atensyon sa TV ad at paano ito binigyang atensyon.
3. Talakayin ang ipinapahiwatig sa TV ad.
4. Ipalarawan ang paboritong damit o gamit ng mga bata at paano napapataas nito ang confidence nila.
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ipakita sa mga bata ang iba’t ibang komposisyon o larawan na nagbibigay-diin sa sentro ng kawilihan sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan.
2. Pag-usapan ang nabanggit na mga larawan.
Larawang pinatingkad ng kulay ang sentro ng kawilihan.
a. Itanong:
• Anu-ano ang nakikita nyo sa larawan?
• Aling bahagi ng komposisyon ang tumatawag ng inyong pansin?
• Paano ginagamit ng pintor ang kulay bilang sentro ng kawilihan?
• Sentro ng kawilihang binigyang-diin sa pamamagitan ng mga hugis o anyo.
b. Itanong:
• Ano ang nais ipahiwatig ng pintor sa pangalawang larawan?

• Sentro ng kawilihan na inilalagay sa gitna.
c. Itanong:
• Paano ipinakita sa larawang ito ang sentro ng kawilihan?
C. Paglalahat
1. Itanong:
• Paano binibigyang-diin ang mga sentro ng kawilihan?
D. Pangwakas na Gawain
Sabihin:
Maghanap ng mga larawan sa klasrum at tukuyin ang sentro ng kawilihan ng bawat isa.

Labels:
Kaisipang Pangkaasalan,
Pangmotivation,
Sa MSEP
Tuesday, January 15, 2008
PANGKALUSUGAN 1 – Anyong Rondo
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Napapahalagahan ang mga awitin at tugtugin ayon sa anyong rondo (ABACA)
2. Nakikilala ang mga awitin/tugtuging may anyong rondo
3.
II. Paksang-leksyon: Anyong Rondo
Integrasyon:
• EKAWP: Kaangkupang pisikal
• FILIPINO: Diptonggo
• SINING: Collage
Sanggunian:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 33-36
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 37-41
• Knorr TV ad na “Makulay ang Buhay” http://youtube.com/watch?v=WHr-PQO8t5Y
Mga Kagamitan:
• musical score ng “Play Song” sa tsart C 2/4
• pitch pipe
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapanood ng TV ad na “Makulay ang Buhay” ng Lucky Me at pagsabay ng klase sa pag-awit nito
2. Itanong/Sabihin:
• Ano ang napansin nyo sa kanta?
• Ang bahaging inuuli-ulit sa kanta ay:
Makulay (makulay)
Ang buhay (ang buhay)
Makulay ang buhay
Sa sinabawang gulay
• Ano-anung salitang nabanggit sa kanta ang may diptonggo?
gulay makulay buhay sabaw kami’y
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Pag-usapan ang mga natutunan ng mga bata tungkol sa mga simbolong may kaugnayan sa anyo.
2. Ilahad ang iskor ng “Play Song”.
3. Ipasuri sa mga bata ang mga simbolong may kaugnayan sa anyo.
4. Ipatukoy sa mga bata kung paano ang gagawing pag-uulit sa iba’t ibang bahagi ng awit.
5. Iparinig sa mga bata ang “Play Song” at ipasulat ang anyo.
C. Paglalahat
1. Itanong:
• Ilang bahagi ang naririnig sa “Play Song”?
• Hanapin ang himig A, himig B, himig C at ang laging inuulit na himig A.
• Isulat ang anyo ng awit.
D. Pangwakas na Gawain
1. Ipaawit sa mga mag-aaral ang “Maligang Araw” at ipasuri ang anyo.
2. Pakrieytin ang mga bata ng maikling ritmo at pabuuin ng isang rondo.
IV. Asaynment
1. Gumawa ng collage ng mga bagay na umiikot-ikot.

Kaisipang Pangkalusugan,
Pangmotivation,
Sa MSEP
PANGKALUSUGAN 2 - Kabuuang Kaangkupang Pisikal
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa EPK (MSEP)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naisasagawa ang mga wastong gawain na nagpapaunlad ng kabuuang kaangkupang pisikal
2. Nagkakaroon ng pagnanais na mapaunlad ang kaangkupang pisikal
3.
II. Paksang-leksyon: Kabuuang Kaangkupang Pisikal
Integrasyon:
• EKAWP: Pagsunod sa panuto
Sanggunian:
• Tayo Nang Magpalakas 6, Tekstbuk, pp. 27-30
• Tayo Nang Magpalakas 6, Manwal ng Guro, pp. 17-22
• Whisper “Do the Flexi moves” http://youtube.com/watch?v=ZHlZBq8Ki7o
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Laro: 1 – 2 – 3
1. Pagpanood ng TV ad na “Do the Flexi Moves” ng Whisper.
2. Sa signal ng guro, lahat ng bata ay gagawin ang babanggiting kilos habang sumasabang sa kumpas ng “Do the Flexi Moves” at bumibilang ng isa hanggang walo at pabalik sa isa. Makakapagpagawa ng tatlong iba’t ibang kilos sa kabuuang kanta.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin/Ipakita:
Ang obstacle course ay isang kaayusan ng maliliit at malalaking kagamitan na magsisilbing hadlang sa pagsasakilos ng mga gawain para sa ikauunlad ng kaangkupang pisikal tulad nang nakikita nyo sa ating palaruan. Bawat bata ay dadaan sa course sa maayos at mabilis na paraan. Ang mga balakid na inyong dadaanan ay ang mga sumusunod:
a. Mt. Pinatubo (pag-akyat para sa pagpapaunlad ng lakas)
b. Ahas (pagtakbo sa mga buklod o goma na ang bawat paa ay nakapasok sa tig-isang buklod o
goma upang mapaunlad ang kaliksihan)
c. Lungga (paggapang upang mapaunlad ang lakas at tatag ng braso at balikat)
d. Hadlang (paglundag upang mapalakas ang kalamnan ng binti)
e. Tarzan (palipat-lipat na paglambitin sa pahigang hagdan upang mapalakas ang braso at
balikat)
f. Pagtulay sa Alambre (paglakad sa balans bim o bangko o torso upang mapaunlad ang panimbang)
g. Maze (Pagkandirit sa bean bags upang maging matatag)
h. Lundag palaka (paglundag sa kahon o traffic cones para sa lakas ng binti)
2. Sabihin/Itanong:
• Ang mga buong course ay tulad sa buhay ng tao. Puno ito ng mga pagsubok.
• Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at malusog na isipan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay?
3. Pamantayan: Anu-ano ang mga dapat na laging isaisip upang maiwasan na makasakit ng kapwa at mapangalagaan din ang sarili?
4. Pagsasanay: Praktisin ang mga bata sa lugar ng mga kilos na dapat isagawa sa bawat istasyon.
5. Pagsasagawa: Hatiin ang klase sa 8 pangkat upang makajoin ang lahat at maiwasan ang kalituhan at bungguan. Ilagay ang bawat pangkat sa 8 istasyon. Sa signal na “SIMULA”, isasagawa ang kilos sa bawat istasyon ng bawat pangkat.
Makatapos ng 1 istasyon, tutuloy naman sa susunod na istasyon hanggang sa maikot ang 8 istasyon. Kung maaari doblehin ang dami ng kagamitan sa istasyon 2, 7 at 8 upang makapagsimula ang dalawang bata sa bawat istasyong ito.
6. Paglalapat:
Laro: 1 – 2 – 3
a. Pangkatin ang buong klase na anim-anim ang bawat pangkat. Ang manlalaro bilang 4, 5 at 6 ay nakahanay buhat sa panimulang guhit.
b. Manlalaro 1, ang puno, ay nakatayo sa ikutang guhit na nakaunat paitaas ang mga binti.
c. Manlalaro 2, ang tulay, ay nakatayo sa pagitan ng pamulaan at ikutang guhit; ang mga binti ay magkalayo.
d. Manlalaro 3, ang bata, ay nasa ayos pasubsob sa unahan ng pamulaang guhit.
e. Sa signal na “SIMULA”, ang manlalaro 4 ay:
__ lulukso sa ibabaw ng bato
__ gagapang sa ilalim ng tulay
__ tatakbo paikot sa puno
__ tatapikin ang kamay ng susunod na manlalaro
__ pipila sa likod ng hanay
f. Ipagpatuloy ang gawain hanggang sa matapos ang pangkat.
g. Pagkatapos, ang “bato” ay:
__ gagapang sa ilalim ng tulay
__ tatakbo paikot sa puno
__ muling gagapang sa tulay
__ tatakbong pabalik sa likod ng hanay
h. Ang “tulay” ay tatakbong paikot sa puno at pabalik sa likod ng hanay.
i. Maaaring pagpalitin ang mga tauhan at ulitin ang laro.
C. Pangwakas na Gawain
Laro: Lupa, Hangin, Apoy at Tubig
Kaayusan – Nakabilong paharap sa gitna
1. Pumili ng “taya”. May hawak ang taya ng panyo o binalumbon na diyaryo.
2. Ihahagis ng “taya” ang dyaryo/panyo sa isang bata at sasabihin ang alinman sa –LUPA, HANGIN, APOY o TUBIG at bibilangin niya ang kalaro hanggang sampu.
3. Ang mga inaasahang sagot/gagawin ng kalaro ay kapag sinabi ang:
a. “LUPA” – magsabi ng pangalan ng hayop na gumagala sa lupa
b. “HANGIN” - magsabi ng pangalan ng hayop na lumilipad sa himpapawid
c. “TUBIG” - magsabi ng pangalan ng hayop na lumalangoy sa ilog o dagat
d. “APOY” – hindi dapat magsalita ang manlalaro.
4. Kapag nakapagbigay nang wastong ang manlalaro, magpapatuloy ang “taya” sa paghuli ng iba. Kapag nagkamali ang manlalaro, magpapalit sila ng lugar ng “taya”.
IV. Pagbibigay-Halaga
1. Alin sa mga balakid sa obstacle course ang nahirapan kayong gawin? Bakit?
2. Anong mga kakayahan ng katawanang napapalakas ng mga gawain natin?

Subscribe to:
Posts (Atom)