Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nasusuri ang mga karapatan ng mamamayan Pilipino ayon sa isinasaad ng Saligang Batas
2. Naipapakita ang karapatan sa pagganap ng mga tungkulin o pananagutan bilang mamamayang Pilipino
3. Naipamamalas ang kasanayan sa pagbibigay-kahulugan sa mga salita at ideya
II. Paksang-leksyon: Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
Integrasyon:
• EKAWP: Pagtitipid
Sanggunian:
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Tekstbuk, pp. 144-150
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Manwal ng Guro, pp. 50-56
• Tide TV ad na “Gulat Ka? (Rally)” nasyunal na telebisyon o http://www.youtube.com/watch?v=emKlol4aka0 (inispoof)
• Talk N Text na “Reporter” http://youtube.com/watch?v=QJLqyzz0DI4
• ABS-CBN ad na “Iboto Mo, Patrol Mo” http://youtube.com/watch?v=ngkM-dXotq4
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Lagyan ang bulletin board ng mga larawan, balita at iba pang impormasyon tungkol sa katayuan ng mga mamamayan. Ihanda rin ang mga babasahin, tulad ng kopya ng Saligang Batas na gagamitin sa klase.
2. Tawagin ang pansin ng klase sa mga impormasyon sa bulletin board. Gawing hamon sa kanila ang pagkilala sa mga ideyang ipinapahiwatig ng mga nakadispley.
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ipabasa ang Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987.
2. Isa-isang talakayin ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayang Pilipino.
C. Paglalahat
1. Magpabuo ng mga kongklusyon sa mga tinalakay.
D. Pangwakas na Gawain
1. Papanoorin ang mga sumusunod na TV ads:
• “Gulat ka? (Rally) ng Tide – karapatan sa pagnanalita at pamamahayag, at karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon
• “Reporter” ng Talk N Text – karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya, karapatan sa pananalita at pamamahayag, at, kalayaan sa paninirahan at paglalakbay
• “Boto Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN – karapatan sa Pagboto, karapatan sa pagnanalita at pamamahayag, at karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon
2. Ipatukoy ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayang Pilipino na ipinapakita o tinatamasa ng karakter sa TV ad.
3. Talakayin ang nilalaman ng TV ads. Pag-usapan ang pagtitipid.
IV. Pagtataya
Sabihin kung ang sumusunod ay itinakda o ipinagbabawal ng Saligang Batas. Isulat ang IT kung itinatakda at IP kung ipinagbabawal. Gumamit ng sagutang papel.
a. bill of attainder
b. ex post facto law
c. pagpipiyansa
d. pagbilanggo sa hindi makabayad ng utang
e. pagpiit nang walang paglilitis
f. labis-labis na multa
g. parusang kamatayan
h. pagsuspinde sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus
i. pagtatanggol ng abogado
j. pagtestigo laban sa sarili
k. mabilis, walang pinapanigan at publikong paglilitis
l. pagbilanggo dahil sa pampulitikang paniniwala
Magagamit ang TV ads sa pagtuturo
Showing posts with label Sa HEKASI. Show all posts

Wednesday, January 16, 2008
PANGKABUHAYAN 2 – Pandarayuhan
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naiisa-isa ang mga dahilan ng pandarayuhan
2. Nasasabi ang katangian ng nandarayuhan
3. Naipahahayag ang sariling opinyon hinggil sa mga pangunahing usaping kaugna ng populasyon sa bansa
II. Paksang-leksyon: Pandarayuhan
Integrasyon:
• EKAWP: Pagpapasya
Sanggunian:
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Tekstbuk, pp. 12-15
• Smart TV ad na “Stewardess” http://www.youtube.com/watch?v=7rl4DQZNGfE
• Super Ferry TV ad na “Ms. Barangay” http://www.youtube.com/watch?v=9FnZfcWDHN8
• Talk N Text TV ad na “Tropa” http://www.youtube.com/watch?v=jWhBRIfbwkk
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Isulat sa blakbord ang salitang “Pilipino”. Ganyakin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga pakahulugan nila sa salitang ito. Ipasulat sa blakbord ang mga sagot.
2. Ipasuri sa klase ang mga kahulugang ibinigay. Ipatukoy ang mga magkakatulad at itanong kung tatanggapin nilang lahat ang mga ito o kaya ay aalisin na lang ang iba at pipili ng isa. Ipapuna rin kung may maling ideya at ipawasto ito.
3. Ipabuo ang mga mapagkakasunduan nilang paliwanag sa salitang “Pilipino”.
4. Ibigay ang kahulugan ng “Pilipino” at populasyon
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Tanungin ang mga mag-aaral kung sinu-sino ang dating naninirahan sa sa ibang lugar. Tanungin din kung bakit sila lumipat o nandayuhan sa lugar na tinitirhan nila ngayon. Itala ang mga sagot sa blakbord. Alamin kung sino naman sa klase ang ibig lumipat ng lugar na titirhan o mandayuhan kung magkakaroon ng pagkakataon. Ipabigay rin ang kanilang dahilan.
2. Itanong kung ano ang magiging epekto ng paglipat ng tirahan o pandarayuhan sa lugar na nilipatan at inalisan.
3. Ipasuri at pabigyang-kahulugan ang datos tungkol sa pandarayuhan sa bansa. Sa aling mga lugar pumupunta ang karamihan sa mga nandarayuhan? Sa aling lugar naman kakaunti ang pumupunta? Papag-aralan din ang pahina.
4. Talakayin ang factors at katangian ng pandarayuhan.
5. Magpabuo ng mga kongklusyon sa mga tinalakay.
C. Pangwakas na Gawain
1. Papanoorin ang mga sumusunod na TV ads:
• “Stewardess” ng Smart – hanapbuhay, pandarayuhang panlabas
• “Ms. Barangay” ng Super Ferry – edad, pandarayuhang panloob (urban)
• “Tropa” ng Talk N Text – edad, pandarayuhang panloob (rural)
2. Ipatukoy ang salik at katangian ng pandarayuhan na makikita sa bawat TV ad.
IV. Asaynment
1. Kumuha ng mga datos tungkol sa populasyon ng inyong barangay mula sa inyong kapitan.
Halimbawa: bilang ng populasyon sa loob ng ilang
panahon, kasarian, gulang at iba pa
2. Ilahad ito sa pamamagitan ng table.

Labels:
Kaisipang Pangkabuhayan,
Pang-activity,
Sa HEKASI
Monday, January 14, 2008
PANGKAPALIGIRAN 1 - Topograpiya
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado
University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nakikilala ang mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng bansa
2. Naipakikita ang paghanga sa magagandang anyong tubig at anyong lupa na bumubuo sa hangganang sakop ng Pilipinas
3. Nagagamit nang wasto ang mapa sa paglalarawan ng topograpiya ng Pilipinas
II. Paksang-leksyon: Topograpiya
Integrasyon:
• EKAWP: Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman
Sanggunian:
• Batayang Aklat sa Hekasi 6, Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 74-78
• Smart/DOT “Summer Biyahe Tayo” http://youtube.com/watch?v=zZtynrZzPz4
Mga Kagamitan:
• mapang pisikal ng Pilipinas
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Ipapanood ang TV ad na “Summer Biyahe Tayo” ng Smart at DOT
2. Hayaang kilalanin ng mga bata ang bawat anyong lupa at anyong tubig na bumubuo ng topograpiya ng bansa.
3. Pag-usapan ang nilalaman ng TV ad.
4. Itanong:
• Paano napakikinabangan ng gobyerno ang mga likas na yaman ng bansa?
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ilahad ang mapang pisikal gn Pilipinas.
2. Ipahanap sa mapang pisikal ang mga bundok, bulkan, talampas, at lambak. Ipalarawan at ipahambing ang mga anyong lupa.
3. Ipaturo at ipatukoy ang mga bahaging nagpapakita ng mahalagang anyong tubig gaya ng dagat, lawa, at ilog. Ipalarawan at ipabigay ang pagkakaiba ng bawat isa.
4. Ipapanood muli ang TV ad, kung kinakailangan, at pag-usapan ang kahalagahan ng topograpiya sa bansa.
5. Ipaugnay ang topograpiya ng bansa sa pamumuhay ng mga tao.
C. Pangwakas na Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat. Papiliin ng isang rehiyon sa mapa ang bawat pangkat na maaari nilang pag-aralan. Pabigyang-diin sa gagawing pag-uulat ang topograpiya ng lugar na pinag-aralan.
2. Magkakaroon ng isang kunwaring paglalakbay sa iba-ibang rehiyon na gumagamit ng mapang pisikal. Hayaang magkaroon ng kasanayan ang mga bata na maisa-isa ang mga anyong lupa at anyong tubig na madaraanan sa paglakbay.
IV. Pagtataya
1. Hikayatin ang klase na basahin at ipaliwanag ang mga pahayag sa Isipin Muli at Tandaan sa pahina 78.

Kaisipang Pangkapaligiran,
Pangmotivation,
Sa HEKASI
Subscribe to:
Posts (Atom)