Magagamit ang TV ads sa pagtuturo

Showing posts with label Sa EPP. Show all posts
Showing posts with label Sa EPP. Show all posts

Thursday, January 17, 2008

PANGKAASALAN 4 - Hakbang sa Matalinong Pagpapasya

Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Malaman ang hakbang sa pagbuo
2. Makabuo ng isang matalinong pagpapasya kapag hinihingi ng pagkakataon
3.

II. Paksang-leksyon: Hakbang sa Matalinong Pagpapasya
Integrasyon:
• EKAWP: Pagkamaparaan
Sanggunian:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 63-64
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 33-34
• Ovaltine TV ad na “Oh No! Monster” http://youtube.com/watch?v=setXARtnEnQ
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV)

III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pareportin ang mga lider hinggil sa mga batang pumasok.
2. Magsanay sa iba’t ibang uri ng pinagkukunan.
3. Magbalik-aral sa iba’t ibang factor sa mabuting pangangasiwa.

B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Magpakita ng larawan ng mag-anak na pupulong. Ipalarawan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinuha.
2. Ipabasa ang teksto sa p. 63 ng tekstbuk. Magkaroon ng pagpapalitan ng kuru-kuro tungkol sa paksang tinatalakay. Bayaang magreport ang mga lider ng bawat pangkat sa kanilang ginawang pag-aaral.
3. Hikayating bumuo ng paglalahat ang mga bata.

C. Pangwakas na Gawain
Ipapanood ang TV ad na “Oh No! Monster” ng Ovaltine. Sundan at tukuyin ang hakbang sa matalinong pagpapasya ng karakter:
a. Tukuyin ang suliranin
b. Itakda ang layunin
c. Kilalanin ang pagkukunan
d. Magpasya
e. Pagsasakatuparan ng ginawang pagpapasya
f. Pagpapahalaga



IV. Asaynment
Maglista ng mga suliraning hinaharap at gawan ng pagpapasya at isagawa ang iba’t ibang hakbang.

Wednesday, January 16, 2008

PANGKABUHAYAN 4 - Kahalagahan ng Paggawa

Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nalilinang ang katuturan at kahalagahan ng dangal sa paggawa
2. Naipapamalas ang kanais-nais na kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga sa paggawa
3.

II. Paksang-leksyon: Kahalagahan ng Paggawa
Integrasyon:
•
Sanggunian:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 76-79
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 45-47
• DBP TV ad na "Kayod" http://youtube.com/watch?v=NyhhhFV8sH4
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV)

III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Magrivyu sa kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng mga kasapi ng mag-anak sa kani-kanilang gawain sa loob ng tahanan.

B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ipaskil sa bulletin board ang mga larawan ng mag-anak na gumagawa ng iba’t ibang gawaing pangkabuhayan sa pamayanan at mga ipinagmamalaking gawain sa iba’t ibang lugar sa bansa.
2. Ipabasa ang talasalitaan na nasa blackboard. Talakayin ang kahulugan ng mga ito.
dangal sa paggawa kusang-loob

3. Magpakita ng larawan ng isang tahanang malinis, maayos at Masaya at ng isang marumi, magulo at hindi magkasundong mag-anak.
4. Hayaan ang mga bata na magpalitan ng kuru-kuro at paliwanagan hanggang makabuo ng mga kaisipang maaaring malinang tungkol sa aralin.

C. Pangwakas na Gawain
1. Ipapanood ang TV ad na “Kayod” ng DBP at bigyan ang mga bata ng 5-10 minuto upang makapaghandaang makapagbigay ng mga kaisipan tungkol sa napanood sa pamamagitan ng dula-dulaan, pantomina, awit, akrostika atbp. Magbigay ng pamantayan bago magsimula.

2. Pahalagahan ang natapos na gawain sa pamamagitan ng tseklist at magbigay din ng pantiyak na pagsubok.


Lagyan ng tsek kung tama ang isinasaad ng pangungusap, at ekis kung mali.
_____ 1. Dapat iasa na lang sa mga magulang ang mga gawain sa tahanan.
_____ 2. Sundin ang ipinag-uutos ng magulang nang maluwag sa kalooban.
_____ 3. Isa sa mga katangian ng batang may dangal sa paggawa ay ang pagiging matapat
_____ 4. Ang batang may pagkukusa ay hindi naghihintay ng utos/pabuya upang gumawa.
_____ 5. Walang halaga ang isang masipag na mag-anak kung ang paligid nila ay marumi.

IV. Asaynment
1. Magpagawa ng pag-intervyu sa isang mag-anak na umunlad dahil sa pagpapahalaga nila sa paggawa.
2. Pabigyang pansin ang kani-kanilang naitulong sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan.

Tuesday, January 15, 2008

PANGKALUSUGAN 3 - Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagiging Maayos

Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naipaliliwanag ang mga kailangan sa maayos at mabikas na paggayak
2. Natutukoy ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig
3.

II. Paksang-leksyon: Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagiging Maayos at Mabikas
Integrasyon:
• EKAWP: Pakikisama, Pagpapakumbaba
• Filipino: Panlapi
Sanggunian:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 26-28
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 11-13
• Anchor Milk TV ad na “Anchor Family” http://www.youtube.com/watch?v=5pNaWERKgbs
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)

III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Bigyan ng pagsasanay ang mga bata tungkol sa mga paraan ng pangangalaga ng kasuotan.
2. Pagbalik-aralan ang hakbang sa paglalaba

B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Talakayin ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan sa pamamagitan ng pagtuklas sa salitang-ugat at mga panlaping ginamit. Gamitin ang mga nilapian at salating ugat nito sa pangungusap.

tungkulin karapatan pananagutan ginagampanan

2. Ipapanood ang TV ad na “Anchor Family” ng Anchor Milk. Hayaang nagbigay ng dalawa o tatlong pangungusap ang mga bata ukol dito.

3. Tawagin ang mga bata at tanungin kung ano ang kanilang ginagawa sa bahay.
4. Talakayin ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi ng mag-anak. Gumawa ng balangkas sa blakbord.

Kasapi ng mag-anak Tungkulin/Karapatan Pananagutan
A. Tatay
B. Nanay
C. Mga anak

5. Talakayin ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin at kung ano ang maaaring mangyari kung hindi gagampanan ang tungkulin.

C. Pangwakas na Gawain
1. Ipatala sa mga bata ang kanilang mga tagubilin at karapatan sa tahanan.
2. Bilang pagpapahalaga, ipasagot sa mga bata ang pantiyak na pagsubok.

Piliin sa Hanay B ang tamang sagot.
A B
1. Karapatan a. Mga gawaing ibinibigay sa bawat
kasapi ng mag-anak upang gampanan
2. Tungkulin b. Mga kalagayang tinatamasa ng
bawat kasapi ng mag-anak na may hangganan at katumbas na pananagutan
3. Pananagutan c. Obligasyon
4. Ginagampanan d. Mga tungkuling dapat gampanan
5. Kasiya-siyang pamumuhay
e. Maayos at mabuting pagsasamahan
ng mag-anak

IV. Asaynment
1. Ipatala sa mga bata ang mga paraan ng paggalang sa karapatan ng mga kasambahay. Ipaulat sa klase.

Monday, January 14, 2008

PANGKAPALIGIRAN 3 - Kahalagahan ng Pag-aalaga ng Hayop

Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang mga kapakinabangang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak.
2. Napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng paghahayupan sa pag-unlad ng ekonimiya ng bansa.
3.

II. Paksang-leksyon: Kahalagahan ng Pag-aalaga ng Hayop
Integrasyon:
•
Sanggunian:
• Batayang Aklat para sa Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 116-117
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 77-78
• Pigrolac TV ad na “Habang Bata Pa” http://youtube.com/watch?v=z7YXd2_fXn4
Mga Kagamitan:
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV)

III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Magbalik-aral tungkol sa mga kabutihang dulot ng paghahalaman sa pamilya at iugnay ito sa aralin.

B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ipapanood ang TV ad na “Habang Bata Pa” ng Pigrolac”.

2. Tanungin ang mga mag-aaral kung sinu-sino ang may karanasan sa pag-aalaga ng hayop at hayaang isalaysay ang kanilang karanasan.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kapakinabangang dulot ng pag-aalaga ng hayop. Ipabasa ang Batayang Aklat pp.116-117 para sa karagdagang kaalaman.
4. Magpalitan ng kuro-kuro ukol dito.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pakipanayamin ang mga mag-aaral sa mga kilalang may karanasan sa pag-aalaga ng hayop. Ipasulat sa malinis na papel ang mga nalikom na impormasyon at ipaulat sa harap ng klase.
2. Ipasagot ang pantiyak na pagsubok.

Punan ng wastong salita ang bawat blank.

a. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang gawaing dapat pag-ukulan ng _____ at oras upang magtagumpay.
b. Nakakatulong sa _____ n gating kabuhayan ang pag-aalaga ng hayop.
c. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagdudulot ng karagdagang kaalamang _____ at pang-ekonomiya.
d. Nagsisilbing _____ sa pamayanan ang mag-anak na nag-uukol sa ganitong gawain.
e. Nakakabawas sa gugugulin sa pagkain at nakakadagdag sa _____ ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop.

IV. Asaynment
Magpasulat ng isang sanaysay tungkol sa “Kahalagahan ng Pag-aalaga ng Hayop.”

PANGKAPALIGIRAN 4 - Ang Matalinong Pamimili

Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

University of Nueva Caceres
Elementary Laboratory, T.P. 2007-2008

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naiisaalang-alang ang mga bagay sa matalinong pamimili.
2. Naiisa-isa ang mga wastong kaugalian sa pagpili, paghahanda, at pagluluto ng pagkain tulad ng prutas, gulay, karne, itlog atbp.
3.

II. Paksang-leksyon: Ang Matalinong Pamimili
Integrasyon:
• EKAWP:
Sanggunian:
• Batayang Aklat para sa Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 116-117
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 109-111
• Knorr TV ad na “Mechanics - Manghuhula” http://youtube.com/watch?v=fLjtv0LNPzY
Mga Kagamitan:
• mga sariwang gulay, prutas, pirasong karne, isada, itlog atbp.
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV)

III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pagbalik-aralan ang Tatlong Pangkat ng Pagkain, ang katuturan at kahalagahan nito.

B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Itanghal ang mga dinalang sariwang pagkain ng mga bata, tsart ng Tatlong Pangkat ng Pagkain, at mga larawan ng mga kaugalian sa paghahanda ng pagkain.
2. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tunay na halimbawa, talakayin ang talasalitaang ito:

napapanahon etiketa

3. Bukod sa inihandang pag-uulat tungkol sa katangian ng sariwang pagkain, ipasuri sa mga bata ang dinalang sariwang gulay at prutas. Ipatalakay sa mga bata ang mga palatandaan na ang mga ito ay sariwa.

C. Pangwakas na Gawain
1. Ipabuo sa mga bata ang tsart na nasa blackboard tungkol sa mga katangian ng sariwang pagkain.
2. Ipalagom sa kanila ang mga kaisipang napag-aralan.
3. Ipasagot ang pantiyak na pagsubok.

Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Mas makakatipid tayo sa oras, lakas, at salapi kung tayo
ay mamimili ng _____.
a. paisa-isa b. paunti-unti c. araw-araw d. maramihan

2. Paano pipilin ang sariwang isda?
a. mapula ang hasang c. mapula ang mga mata
b. may masamang amoy d. lumulutang sa tubig

3. Mapapadali ang pamimili at walang makakalimutan kung may
ihinandang _____.
a. resipe c. lista ng pamimilhin
b. menu d. lista ng pagkain

4. Anong katangian ng pagkain ang dapat isaalang-alang sa
pamimili?
a. mura b. malinis c. masarap d. masustansya

5. Sa pamimili ng mga gulay, higit kang makakatipid kung
bibilhin mo ang _____.
a. ginadgad na c. magulang na
b. balat at putol-putol na d. bagong pitas

IV. Asaynment
Ipapanood ang TV ad na “Mechanics - Manghuhula” ng Knorr at pasulatin ng opinyon tungkol sa mga nakapaketeng panimpala at sangkap tulad: sinigang at sampalok mixes, at chicken at pork cubes.